Gilas, Syria bardagulan na
MANILA, Philippines — Pakay ng Gilas Pilipinas na makuha ang krusyal na panalo sa pagsagupa nito sa Syria ngayong araw sa pagsisimula ng fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Karisma Arena sa Seremban, Malaysia.
Nakatakda ang salpukan ng Gilas Pilipinas at Syria sa alas-8 ng gabi.
Solido ang lineup ng National na binubuo ng matikas na frontline — ang pinakamatangkad na frontline ng Gilas sa FIBA events.
Nangunguna sa listahan si Kai Sotto na may 7-foot-3 na height kasama sina AJ Edu, Quentin Millora-Brown at Mike Phillips.
“I think it’s one of the most powerful teams we have put together for at least this window, since I’ve been the coach,” ani Gilas Pilipinas head coach Tim Cone.
Ngunit para kay Cone, hindi sapat ang solidong lineup.
Kailangang kumayod ng husto upang makuha ang target nitong panalo.
“But that doesn’t guarantee us anything. It’s not just about size or talent, but we have that great floor, and we have a really high ceiling if we can get everybody together,” ani Cone.
Ito rin ang unang pagkakataon na maglalaro si naturalized player Bennie Boatwright na siyang humalili kay dating naturalized player Justin Brownlee.
Ngunit maganda ang chemistry ni Boatwright kasama ang Gilas Piipinas.
Umaasa si Cone na madadala ng Gilas Pilipinas ang lahat ng mga natutunan nito sa ensayo.
Mataas din ang moral ng Syria sa pagpasok nito sa fifth window.
Nagkampeon ito sa four-nation Bahrain International Basketball Tournament.
Tinalo ng Syria ang Kuwait sa finals, 87-71, gayundin ang United Arab Emirates sa semis sa iskor na 80-74.
- Latest



















