EAC humirit ng Game 3
MANILA, Philippines — Nakahirit ng deciding Game 3 ang Emilio Aguinaldo College matapos nilang paamuhin ang mabalasik na San Beda University, 75-64 kagabi sa Game 2 ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament semifinals na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tabla na ang serye sa 1-1 sa kanilang best-of- three match kaya asahang magiging kapana-panabik ang magiging bakbakan para sa huling Finals slot.
Kinapitan ng Generals ang nagliliyab na opensa ni MJ Raymundo na nagtala ng 20 points, walong rebounds at tatlong assists.
Ipinaramdam ng Generals ang kanilang lakas sa unang dalawang periods matapos nilang hawakan ang 20-point lead, 47-27 sa halftime.
Nagpatuloy ang mainit na laro ng EAC sa third period kaya naman hawak pa rin nila ang malaking bentahe, 60-41 papasok ng fourth quarter.
Samantala, tinuldukan ng Jose Rizal University ang 18 taong paghihintay sa muling paglaro sa finals matapos nilang patalsikin ang Letran, 85-79 sa Game 2 ng sarili nilang best-of-three semis series.
Huling finals appearance ng Heavy Bombers ay noong pang 2008.
Taong 1972 huling nagkampeon ang Kalentong-based squad sa NCAA.
Hihitayin ng JRU ang makakalaban sa Finals kung sino ang mananalo sa pagitan ng EAC at SBU.
- Latest


















