^

PSN Palaro

Semis seselyuhan ng Lady Falcons, Stags

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Tatangkain ng Adamson at San Sebastian na ma­seguro na ang puwesto para sa semifinals sa kani­lang pakikipagtipan sa kani-kanilang mga katunggali sa pagpapatuloy ngayon ng quarterfinals round ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Sa kanilang misyon na makapasok sa Final Four, sasagupain ng Lady Stags ang Far Eastern University sa alas-4 ng hapon habang makikipagbakbakan naman ang Lady Falcons sa Lyceum sa main event.

Pawang may 7-2 win-loss record, binigo ng SSC-R ang NU habang tinalo ng AdU ang FEU sa loob lamang ng apat na sets nitong Huwebes.

Pakay ng San Sebastian ang kanilang pang la­­bing isang Final Four appearance sa premyadong volleyball league ng bansa habang ang pakay naman ng Adamson ang kani­lang ikapitong pagsabak sa semis.

Upang maisakatuparan ang kanilang misyon, muli na namang babandera pa­ra sa mga taga-Legarda si Thai import Jaroensri Bualee kasama sina Suzanne Roces, Joy Benito, Melissa Mirasol at Jennelyn Belen kontra sa FEU na pamumunuan nila Rachel Anne Daquis at Michelle Carolino katuwang sina Cheery Mae Vivas, Monique Tiangco at Gyzelle Sy.

Sasandig namang muli ang Adamson kina guest players Nerissa Bautista at Mic Mic Laborte upang mapigilan ang Lyceum sa pangunguna ni dating MVP Mary Jean Balse na tu­mirada ng season-high 37 puntos nitong Huwebes laban sa Ateneo.

Aalalay naman sina Pau Soriano, Angela Ben­ting at Gail Martin ang dalawang guest players ng mga bataan ni coach Mi­nerva Dulce Pante habang susuporta kay Balse sina Dahlia Cruz, Joy Cases at Nikki Tabafunda.

Sa inisyal na laro naman, asam ng Ateneo na makabangon mula sa five-set loss kontra Lyceum nitong Huwebes rin sa kanilang pakikipagbuno kontra NU.

vuukle comment

ADAMSON

ANGELA BEN

ATENEO

CHEERY MAE VIVAS

DAHLIA CRUZ

DULCE PANTE

FINAL FOUR

HUWEBES

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with