^

PSN Palaro

No. 1 ang Lady Stags

-

MANILA, Philippines - Kinopo ng San Sebastian-Excelroof ang unang puwesto sa Shakey’s V-League Season 7 second conference gamit ang 25-17, 25-11, 25-17, straight sets panalo laban sa FEU na nilaro kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagtala ng 20 sa kabuuang 23 puntos si Thai import Jeng Bualee mula sa kills upang pamunuan ang matibay na net game ng Lady Stags at makuha ang number one puwesto sa quarterfinals na sisimulan na sa Linggo.

Kumulekta nga ng 45 kills ang Baste at walo rito ay nanggaling kay Suzan­ne Roces na naghatid pa ng 3 blocks at 2 aces upang mapasuko agad ang Lady Tamaraws sa la­rong umabot lamang ng 59 minuto.

Ang nagbabalik sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza na si Rachel Anne Daquis ay nalimitahan lamang sa 10 puntos kasama ang ma­tipid na limang spikes upang katampukan ang dominasyon ng depensa ng Lady Stags.

 Ang kabiguang ito ay tumapos sa apat na sunod na tagumpay ng Lady Ta­maraws sa ligang suportado rin ng Accel, Mikasa at Mighty Bond at winakasan ang laro sa eliminasyon taglay ang 4-3 karta. 

vuukle comment

JENG BUALEE

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

MIGHTY BOND

RACHEL ANNE DAQUIS

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN-EXCELROOF

SHAKEY

SPORTS VISION

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with