^

PSN Palaro

Nietes ibubuhos ang paghahanda sa Wild Card Gym

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang magsanay si Filipino world minimumweight champion Donnie “Ahas” Nietes sa Wildcard Boxing Gym ni American trainer Freddie Roach bilang pre­parasyon sa kanyang title defense laban kay Mexican challenger Mario Rodriguez sa Agosto 14 sa Los Mochis, Sinaloa, Mexico.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na itataya ng 28-anyos na si Nietes ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) minimumweight crown.

Matapos talunin si Pornsawan Porpramook via una­nimous decision para sa dating bakanteng WBO minimumweight belt noong Setyembre 30, 2007 sa Cebu City, dalawang sunod na naidepensa ng tubong Murcia, Negros Occidental ang naturang titulo.

Binigo ni Nietes si Eddy Castro via second-round KO noong Agosto 30, 2008 sa Cebu at umiskor ng isang una­nimous decision kay Erik Ramirez noong Pebrero 28, 2009 sa Oaxaca, Mexico bago isinunod si Manuel Var­gas sa bisa ng isang split decision noong Setyembre 12, 2009 sa Nayarit, Mexico.

Nanggaling si Nietes sa isang tenth-round TKO kay Jesus Silvestre sa kanilang non-title fight noong Enero 23, 2010 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ito ang magiging ikatlong pagkakataon na magde­depensa si Nietes ng kanyang WBO minimumweight crown sa Mexico. “Ako lang at siya ang maglalaban sa ibabaw ng ring at ang magaling lang ang mananalo,” sabi ni Nietes. “Ako ang champion at wala akong planong iwanan sa Mexico ang title ko.”

Magtutungo ang Team Nietes sa Mexico sa Agosto 11 para sa pre-fight conference.

Kasalukuyang bitbit ni Nietes ang 26-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 15 KOs kumpara sa 10-5-3 (7 KOs) ng 21-anyos na si Rodriguez.

vuukle comment

AGOSTO

CEBU CITY

CUNETA ASTRODOME

EDDY CASTRO

ERIK RAMIREZ

FREDDIE ROACH

JESUS SILVESTRE

LOS MOCHIS

NIETES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with