Nadal kabado kay Soderling sa finals ng French Open
PARIS - May dahilan kung bakit kinakabahan si Rafael Nadal sa pagharap kay Robin Soderling para sa finals ng French Open dito sa Roland Garros.
Tinalo ni Soderling si Nadal sa fourth round ng naturang torneo noong nakaraang taon.
Ito ang tanging kabiguan ni Nadal sa kanyang 38 French Open matches.
“He’s a very, very dangerous player,” sabi ni Nadal. “He’s one of the best of the world. It will be a difficult match.”
Naitakda ang finals match nina Nadal at Soderling, ang 2009 runner-up, nang talunin ng huli si No. 15-seeded Tomas Berdych, 6-3, 3-6, 5-7, 6-3, 6-3.
Binigo naman ni Nadal si No. 22 Jurgen Melzer, 6-2, 6-3, 7-6 (6).
“I know that I can beat him,” wika ni Soderling. “I showed it. But every match is a new match.”
Ipinanalo ng No. 2-seeded na si Nadal ang lahat ng kanyang 18 sets sa torneo at may 21-0 sa clay court sa taong ito.
Hangad ni Nadal na tanging maging ikalawang tennis player na nagwagi ng limang French Open titles.
Si tennis legend Bjorn Borg ang may pinakamaraming titulo sa bilang na anim.
Ayon kay Nadal, ang Roland Garros court ay isang espesyal na venue para sa katulad niyang Spaniard.
“Roland Garros is a bit special, especially for Spanish players,” sabi ni Nadal. “I was pretty nervous before the tournament. I was nervous during all the tournament.”
Habang may 6-2 rekord si Nadal sa FGrand Slam finals, mababaw naman ang eksperyensa rito ni Soderling.
Ang kanyang pinakamalapit na karanasan ay nang matalo kay Roger Federer sa finals ng French Open noong 2009.
- Latest
- Trending