^

PSN Palaro

Alcantara kumikikig pa, Patrombon sibak na

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy nina Fran­cis Casey Alcantara at John Morrissey ng Ireland ang magandang inilalaro nang makaabante ang mga ito sa quarterfinals sa idinadaos na 51st Trofeo Bonfiglio sa Milan Italy.

Hindi umubra ang hu­say ng Austrians na sina Sebastian Stiefelmeyer at Dominic Thiem ng mangi­babaw sina Alcantara at Morr­issey sa straight sets na 6-3, 7-6 (5), sa round of 16 na tagisan kahapon.

Ngunit ang kampanya ng isa pang Filipino sa ka­tauhan ni Jeson Patrombon ay nagwakas na nang sila ni British netter Richard Gabb ay hindi makaporma kina Italians Marco Cecchinato at Giammarco Micolani, 1-6, 6-7(4).

Ang kabiguan ay nangyari matapos kuminang sina Patrombon at Gabb laban sa number two seeds na sina Guilherme Clezar ng Brazil at Yasukata Uchiyama ng Japan, 6-3, 2-6 (10-7).

Sa tindi ng kompetis­yong ito na nilalaro sa clay courts ay tatlong seeded na lamang ang nakatayo at kasamang namahinga na ay ang top seeds na si­na Damir Dzumhur ng Bosnia and Herzegovina, at Mate Zsiga ng Hungary na tinalo ng unseeded na sina Richard Muzaev ng Russia at Dennis Novikov ng USA, 7-6(4) 6-4.

vuukle comment

BOSNIA AND HERZEGOVINA

CASEY ALCANTARA

DAMIR DZUMHUR

DENNIS NOVIKOV

DOMINIC THIEM

GIAMMARCO MICOLANI

GUILHERME CLEZAR

ITALIANS MARCO CECCHINATO

JESON PATROMBON

JOHN MORRISSEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with