Montebon inakay Adamson sa panalo
MANILA, Philippines — Dinagit ng Adamson University ang 85-57, panalo laban sa University of Sto. Tomas kahapon sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Sinandalan ng Soaring Falcons ang nagliliyab na opensa ni Matthew Montebon matapos itarak ang 21 points at tulungan ang koponan na ilista ang 2-1 karta.
Nagpatuloy ang pagdomina ng Adamson sa UST dahil tinuka ng Falcons ang ikatlong sunud-na panalo sa Growling Tigers matapos nilang walisin ang kanilang mga tapatan sa elimination round noong nakaraang season, kung saan nanalo ang San Marcelino-based squad sa iskor na 69-59 at 97-96.
Naging mabalasik sa unang dalawang quarters ang Soaring Falcons kaya nahawakan nila ang 13-point lead, 36-23 sa halftime.
Samantala, nanatili sa tuktok ng team standings ang Ateneo de Manila University matapos nilang ilipad ang 87-76 panalo kontra National Univrsity at ilista ang 3-1 baraha.
Natambakan ang Blue Eagles sa second quarter pero biglang pumabor sa kanila ang bola upang ilista ang 26-4 run at maagaw ang bentahe, 45-40 sa halftime.
Nakitaan ng determinasyon ang Ateneo sa second half dahil kahit nalamangan ulit sila ay nanatili ang kanilang tikas para makuha ang mahirap na panalo.
- Latest





















