^

PSN Palaro

Cavs kinuha ang Game 1 sa Bulls

-

CLEVELAND--Mas ma­lalim ang kanilang bench. Mas malalaki sila. Mayroon silang Shaq at nariyan pa rin si LeBron James.

Malalakas ang panga­­nga­tawan at nakapagpa­hingang mabuti, kinuha ng Cleveland Cavaliers ang unang hakbang patungo sa kanilang inaasam na NBA title matapos igupo ang Chicago Bulls, 96-83, sa Game 1 ng NBA Eas­tern Conference series.

Umiskor si James ng 24 puntos, habang nag­dagdag naman ng 12 mar­ka, 5 rebounds, 4 assists at 3 shotblocks si Shaquille O’Neal sa loob ng 24 minuto.

Sa Boston, naglista si Kevin Garnet ng 15 puntos at siyam na rebounds at lumaro ang Celtics ng kagaya ng istilo ng Miami at kanilang pinataob ang Heat, 85-76.

Naghahabol sa 44-41, nalimita ng Celtics ang Heat sa 32 points sa second half tungo sa pag­sakmal sa Game 1 ng kanilang sariling best-of-seven playoffs series.

Sa Atlanta, tumapos si Joe Johnson ng 22 puntos at nagtala naman si Mike Bibby ng 19 puntos para sa Atlanta at kunin ang Game One ng kanilang serye ng Milwaukee Bucks sa bisa ng 102-92 panalo.

Sa Denver, umiskor si Carmelo Anthony playoff career-high 42 puntos at nagpasabog naman si J. R. Smith ng tres sa final canto at tulungan ang Nuggets sa pagposte ng 126-113 paghiya sa Utah Jazz sa kanilang sariling serye.

vuukle comment

CARMELO ANTHONY

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

GAME ONE

JOE JOHNSON

KEVIN GARNET

MIKE BIBBY

MILWAUKEE BUCKS

SA ATLANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with