Denver Nuggets pinapak Pelicans

NEW ORLEANS, Philippines — Kumolekta si Nikola Jokic ng 26 points, 10 assists at walong rebounds at nag-ambag si Jamal Murray ng 23 points, pitong rebounds at siyam na assists sa 116-108 pagpulutan ng Denver Nuggets sa Pelicans.
Nagdagdag si Christian Braun ng 17 points, pitong rebounds at apat na steals.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Denver (7-4) sa New Orleans (4-10) ngayong season.
Umiskor si Zion Williamson ng 24 points para sa Pelicans, habang may 16 at 13 markers sina Saddiq Bey at rookie guard Jaron Pierre Jr. ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ng Nuggets ang 56-51 halftime lead sa likod ng 12 points ni Jokic bago nakawala sa fourth quarter.
Ang spinning jumper ni DeMar DeRozan ang nagbigay sa Denver ng 102-87 kalamangan sa 6:36 minuto ng laro.
Hindi naglaro para sa New Orleans sina injured starters Trey Murphy (knee) at Dejounte Murray (ankle).
Sa Minneapolis, bumira si Norman Powell ng 23 points at may 18 markers si Matas Buzelis sa 117-106 pagsuwag ng Chicago Bulls sa Minnesota Timberwolves.
Nagdagdag sina Buddy Hield at Tre Jones ng tig-16 points mula sa bench para sa Bulls (3-9) na tinapos ang five-game winning streak ng Timberwolves (9-4).
Umiskor si guard Ayo Dosunmu ng team-high 24 points at may 19 markers si LaMelo Ball.
Sa iba pang laro, tinuhog ng Cleveland Cavaliers ang Dallas Mavericks, 127-117; sinunog ng Miami Heat ang Detroit Pistons, 137-117; at pinapak ng Memphis Grizzlies ang Brooklyn Nets, 129-110.
- Latest

















