^

PSN Palaro

Red Lions, Heavy Bombers pasok sa Final Four

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabante sa Final Four ang defending champion San Beda University ma­tapos patalsikin ang University of Perpetual Help System DALTA, 73-71, sa quarterfinals ng NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.

Nahirapan muna ang Red Lions, may bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage, bago itinakas ang panalo kontra sa Altas sa likod ni Al­dous Torculas na nagsal­pak ng three-point shot.

Umiskor si Torculas ng 20 points bukod sa apat na rebounds, isang steal at isang block, habang bu­makas si Dan Marcelo ng 16 markers.

Nagdagdag si John Bon­zalida ng 13 markers para sa pagpasok nila sa se­mifinals.

“Mas ginusto ko lang na manalo at nandoon ‘yong eagerness namin to make the right plays and do the right things,” ani Torculas.

Nalamangan ng isang puntos ang San Beda sa huling bahagi ng laro, 66-67, bago nila ipinakita ang kanilang bangis bilang kampeon kontra sa Perpetual Help.

Nagpakawala ang Red Lions ng isang 7-0 run na sinimulan at tinapos ni Torculas upang makuha ang 73-67 kalamangan sa huling 1:34 minuto sa oras.

Nagsalpak ng magkasunod na puntos sina Mark Gojo Cruz at Jim Corpuz upang panatilihing buhay ang pag-asa ng Altas sa 71-73 sa 40 segundo.

May tsansa sanang ma­nalo ang Perpetual Help kundi lang nagmintis ang tira nila sa tres.

Samantala, binomba ng Jose Rizal ang Arellano, 81-70, sa likod ni Lawrence Mangubat para sumampa sa Final Four.

Ito ang unang semis stint ng Heavy Bombers ma­­tapos noong 2017.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with