^

PSN Palaro

Johnson inilusot ang Realtors sa OT vs Express

-

MANILA, Philippines - Bagamat napakawalan ang isang 24-point lead sa second at third quarter at naipuwersa sa overtime period, naitakas pa rin ng mga Realtors ang isang mahalagang panalo kontra Express.

Humakot si import Anthony Johnson ng game-high 43 puntos, tampok rito ang perpektong 11-for-11 shooting sa freethrow line, upang igiya ang Sta. Lucia sa 106-98 overti­me win laban sa Air21 sa elimination round ng 20­09-2010 PBA Fiesta Con­ference kahapon sa Araneta Coliseum.

Nagdagdag naman si Ryan Reyes ng 15 marka, 9 assists at 8 rebounds para sa pagbangon ng Real­tors mula sa isang three-game losing slump.

May 2-4 rekord ngayon ang Sta. Lucia sa ilalim ng nagdedepensang San Mi­guel (4-1), Coca-Cola (4-2), Talk ‘N Text (4-2), Ba­rangay Ginebra (3-1), Rain or Shine Elasto (3-2), Derby Ace (2-2) at Alaska Aces (2-2) kasunod ang Air21 (1-5) at Barako Coffee (1-5).

Mula sa 36-18 bentahe sa first period, pinalobo ng Realtors sa 24 ang kani­lang kalamangan, 62-38, sa 10:36 ng third quarter bago ang 20-0 atake ng Ex­press mula kina import Jason Forte, Mike Cortez at Beau Belga para sa ka­nilang 58-62 agwat sa nasabing yugto.

Isang 11-5 bomba naman ang inihulog ng Sta. Lucia para tapusin ang naturang bahagi bitbit ang 73-63 bentahe.

Muli namang pinangunahan nina Forte, Cortez, Belga ang 21-4 arangkada ng Air21 upang tuluyan nang agawin ang unahan sa 84-77 sa 5:24 ng final canto hanggang ibigay ni Reyes sa Robles franchise ang 91-88 lamang sa hu­ling 7.1 segundo.

Naitulak ni Cortez ang Express sa overtime, 91-91, ang laro nang isalpak ang isang jumper sa pagtunog ng buzzer kasunod ang pagbibida ni Johnson para sa 100-95 paglayo ng Realtors sa 2:12 nito.

Sta. Lucia 106 - Johnson 43, Williams 17, Reyes 15, Urbiztondo 9, Daa 7, Mendoza 5, Custodio 4, Espinas 4, Omolon 2, Misolas 0, Belano 0.

Air 21 98 - Forte 26, Cor­tez 17, Gonzales 15, Ri­tualo 9, Matias 7, Belga 7, Buenafe 5, Alvarez 4, Billones 3, Sharma 2, Yee 2, Williams 1, Rodriguez 0.

Quarterscores: 36-18, 58-36, 73-63, 91-91, 106-98 (OT).

vuukle comment

ALASKA ACES

ANTHONY JOHNSON

ARANETA COLISEUM

BARAKO COFFEE

BEAU BELGA

DERBY ACE

FIESTA CON

JASON FORTE

MIKE CORTEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with