^

PSN Palaro

Perfect Game Plan gagamitin ni Pacquiao vs Clottey

- Ni Luz M. Constantino -

MANILA, Philippines - Makikita ang pinakamahusay na Manny Pacquiao sa araw na makakasagupa nito si Joshua Clottey.

Ito ang ipinagdiinan ni trainer Freddie Roach dalawang araw bago isagawa ang sagupaan para sa WBO welterweight title ni Pacquiao na paglalabanan sa Cowboy’s Stadium sa Arlington, Texas.

“Joshua will bring out the best in Manny,” wika ni Roach. “Manny will go out there and fight another perfect fight,” dagdag pa ng American trainer kung saan sinabi nito na isang per­pektong game plan ang gagamitin ng Pambansang kamao para talunin si Clottey.

 Bagamat liyamado sa pustahan, marami rin ang nagsasabing mapapahirapan si Pacquiao dahil si Clottey ay isang lehitimong welterweight boxer at nakasukatan na rin ang mga mahuhusay sa dibis­yon tulad nina Zab Juday, Antonio Margarito, ang nasirang si Diego Corrales at Miguel Cotto.

Mismong ang kampo ng challenger mula Ghana ay naniniwalang may kakayahan si Clottey na maisahan si Pacquiao.

“It is a hurting game. If my guy can put a hurt on Pacquiao that will change the fight,” wika ni Lenny de Jesus na dating cutman ni Pacquiao pero ngayon ay umaaktong trainer ni Clottey.

“I got a stronger and bigger guy. I have created some different movements so he won’t be a target,” wika pa nito.

Tiwala naman si Pacquiao na ang napag-ara­lan niya sa ikinikilos ni Clottey sa mga tapes ng kanyang mga laban ay sapat na para malampasan ang hamon na ito.

Maging si Pacquiao ay kumbinsido na sapat na ang kanyang kaalaman sa istilo ni Clottey upang lumabas na panalo sa unang pagdepensa sa titulong inagaw kay Miguel Cotto.

“We based our training on our opponent’s style. We trained perfectly to the style of the opponent so I think our team work for this fight is very good,” wika naman ng boksingerong mula sa GenSan.

Makadaragdag pang inspirasyon kay Pacman ang libu-libong manonood na sasaksihan ang unang boxing sa $1.2 bilyong stadium.

Ngayong araw ay mu­ling magkikita sina Pacquiao at Clottey para sa weigh-in at kinabukasan ay sasampa na sa ring para malaman kung sino sa kanila ang tu­nay na mas mahusay.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BAGAMAT

CLOTTEY

DIEGO CORRALES

FREDDIE ROACH

JOSHUA CLOTTEY

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

ZAB JUDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with