^

PSN Palaro

RP Patriots vs Singapore Slingers

-

MANILA, Philippines - No. 1 seed ang puntirya ng Philippine Patriots patungo sa Final Four sa kanilang pakiki-pagtipan sa Singapore Slingers ngayon sa pagbabalik-aksyon sa 1st ASEAN Basketball League (ABL) sa Singapore Indoor Stadium.

Tangan ang pinakamagandang marka sa 6-team regional league sa 9-2, makikipaglaban ang Patriots sa Slingers bandang alas-8 ng gabi para masundan ang 70-53 tagumpay noong una silang magtagpo.

Naka-engkuwentro ng Patriots ang Slingers sa una ng kanilang dalawang road games sa ikaapat na araw. Isang araw pagkatapos ng showdown sa Slingers, bibiyahe naman ang Patriots sa Kuala Lumpur para naman sa nakatakdang laban nila ng Dragons sa Biyernes.

Lalaruin ng Patriots ang tatlo sa apat na huling laro nila sa road sa pakikipagtipan sa Thailand Tigers sa Nimibutr National Stadium sa Jan. 17 bago isara ang kampanya sa elimination kontra sa Brunei Barracudas sa Jan. 24 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kailangan ng Patriots na maipanalo ang tatlo sa huling apat na laro para sa No. 1 seedings at homecourt advantage sa buong playoff.

"It will be a tough week ahead of us but the team is prepared and ready to face the challenge," wika ni coach Louie Alas.

Ang Patriots na nagtungo sa Singapore kahapon ay magbabalik mula sa back-to-back na panalo kontra sa KL Dragons, 76-70 at Brunei Barracudas, 70-56 upang tapusin ang kanilang kampanya para sa 2009.

vuukle comment

ANG PATRIOTS

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

FINAL FOUR

JAN

KUALA LUMPUR

LOUIE ALAS

NIMIBUTR NATIONAL STADIUM

PASIG CITY

PATRIOTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with