^

PSN Palaro

Suns muling sumikat sa kanilang bakuran, pinasadsad ang Spurs

-

PHOENIX--Muling pinaganda ng Phoenix Suns ang kanilang perpektong 9-0 home record matapos na ipos­te ang 116-104 pananaig kontra sa San Anto­nio Spurs nitong Martes sa NBA.

Nagtala si Amare Stoude­mire ng 28 puntos at 14 re­bounds habang gumawa na­man ang reserve na si Goran Dragic ng career-high 18 puntos.

Umasinta ang Suns ng 11 of 16 3-point attempts, ha­bang kumunekta naman siya ng 52 percent shooting mula sa field.

Tumapos si Tim Duncan ng season-high 34 puntos at 14 rebounds para sa San Antonio.

Sa Chicago, umiskor si Kobe Bryant ng season-high 42 puntos nang pabagsakin ng Los Angeles Lakers ang Bulls, 96-87.

Nakalubog ng isang puntos papasok sa final canto, kumawala ang Lakers at ipinalasap sa Bulls ang kanilang pang-11th kabiguan sa 13 pakikipaglaban.

Sa Houston, kapwa nag­lista sina Luis Scola at Aaron Brooks ng tig-23 puntos upang pangunahan ang Roc­kets sa 107-96 panalo laban sa Detroit na tumapos sa Pistons sa kanilang li­mang dikit na panalo.

Sa Portland, Oregon, ku­mana si LaMarcus Al­dridge ng go-ahead layup sa kabila ng masamang kalagayan ng kanyang bukung-bukong at pinayuko ng Portland ang Sacramento Kings, 95-88.

vuukle comment

AARON BROOKS

AMARE STOUDE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

LUIS SCOLA

PHOENIX SUNS

SA CHICAGO

SA HOUSTON

SA PORTLAND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with