^

PSN Palaro

Alcala, double champ

-

MANILA, Philippines - Pinangalandakan ang kakayahan, kinabog ni Malvin Alcala si Anna Barredo ng Trace Whackers upang bumandera sa pamamagitan ng 21-14, 19-21, 21-9, at mamayagpag sa dalawang dibisyon ng Ming Ramos Youth Cup Victor Age Group Badminton Championships 2009, kabilang ang premier U-19 class na ginanap sa Rizal Memorial Complex badminton hall noong Linggo.

Subalit hindi naging madali ang pagkubra ng 14 anyos na si Alcala ng Allied Victor PCOME nang humirit isang set si Anna Barredo ngunit sa dakong huli ay mailista ang U-19 plum dagdag ssa kanyang U-15 korona nang gibain si Janelle de Vera, na isa ring Trace-Whackers, 21-13, 21-12.

Nahakbangan rin ni top seed Gelita Castilo si Nikki Servando sa 21-8, 21-9, upang ibulsa ang U-17 korona ng torneong inorganisa ng Philippine Badminton Association at suportado ng Victor PCOME.

Namuno rin si Alcala sa kanyang tatlong panalong naiuwi sa event kung saan naipares ito kina Castilo na tumalo kay Danica Bolos at Gelli Ramos, 21-14, 21-13, at angkinin ang U-19 doubles crown.

Bukod sa pamamayani ni Castilo sa U-17 singles, nakatambal rin nito si Dia Magno na tumapak kina Anna Barredo at Pia Fabros, 21-7, 21-12 upang protektahan ang U-17 doubles diadem.

Ang iba pang nagwagi para sa girls doubles ay kinabibilangan nina Janelle de Vera at Danyll Escobar (U-15), Marina Caculitan at Joella de Vera (U-13), Chanelle Lunod at Quanxi Orillaneda (U-11); habang namuno naman sa boys doubles sina Ariel Magnaye at Paul Vivas para sa U-19 plum , 21-13, 21-13 panalo kontra Ivan Angsico at Nikko Angsico. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

ALCALA

ALLIED VICTOR

ANNA BARREDO

ARIEL MAGNAYE

CASTILO

CHANELLE LUNOD

DANICA BOLOS

DANYLL ESCOBAR

DIA MAGNO

GELITA CASTILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with