^

PSN Palaro

Blazers yuko sa Nuggets

-

PORTLAND, Oregon--Umiskor si Carmelo Anthony ng 41 puntos, 19 nito ay mula sa final canto upang ihatid ang Denver Nuggets sa 97-94 panalo laban sa Trail Blazers nitong Huwebes sa NBA.

Nagsalpak si Anthony ng dalawang freethrows may dalawang segundo na lamang ang nalalabi matapos na pumalso sa ilang mga freethrows upang kumulapso ang kanilang inilatag na 85-80 kalamangan matapos ang limang minuto.

Nagkaroon ang sentrong si Greg Oden ng tsansa na agawin ang panalo sa Nuggets nang siya ay tumapak sa foul line may apat na segundo nalamang ang nalalabi at ang Portland ay nakalubog lamang sa isang puntos, subalit parehong nagmintis ang kanyang dalawang tangka.

Tumapos si Brandon Roy ng 30 puntos at nagtala naman ang Spanish guard na si Rudy Fernandez ng 22 mula sa bench para sa unang kabiguan ng Blazers sa season.

Sa Chicago, naglista si Derrick Rose ng 13 puntos at pitong assists upang pa-ngunahan ang balanseng Chicago Bulls sa 92-85 panalo laban sa San Antonio Spurs.

Nakakuha rin si Rose, na lumiban ng halos buong preseason sanhi ng kanyang injury sa bukung-bukong, ng malaking suporta mula sa kanyang mga kasamahan upang kumawala ang Bulls sa second half sa kabila ng pagposte ni Tim Duncan ng 28 puntos at 16 rebounds para sa Spurs.

vuukle comment

BRANDON ROY

CARMELO ANTHONY

CHICAGO BULLS

DENVER NUGGETS

DERRICK ROSE

GREG ODEN

RUDY FERNANDEZ

SA CHICAGO

SAN ANTONIO SPURS

TIM DUNCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with