^

PSN Palaro

Mi muling magpapasiklab

-

MANILA, Philippines – Dalawang taon matapos ang pagdodomina sa international field ni Zhou Mi ng Hong Kong, muli na namang ipapakita nito ang husay sa pagtangka nito sa ikalawang sunod na kampeonato sa Third Bingo Bonanza Philippine Open Badminton Championships na magsisimulang sumiklab sa July 1 sa PhilSports Arena, Pasig City.

Para angkinin ang ladies singles crown sa blue ribbon event noong 2007, bumulusok si Zhou para maungusan si Zhu Jingjing ng China.

Binuwenas na makakuha ng mas maraming award, nasungkit ng ace shuttler ang No. 2 spot sa nasabing isport.

Dahil dito, siya ang tinatarget na mahigpit na kalaban sa $120,000 championship, Grand Prix Gold event na hatid ng Bingo Bonanza at inorganisa ng International Management Group.

Kabilang sa mga world’s finest shuttlers na magkakasubukan sa naturang patimpalak ay sina Wang Chen at Yip Pui Yin ng Hong Kong, Jiang Yanjiao ng China, Xing Aiying ng Singapore, Bulgarian Linda Zechiri, Charmaine Reid ng Canada, Maja Tvrdy ng Slovenia, Nicole Grether ng Germany at Singaporean Ming Tian Fu.

Lumagpak sa ikalimang puwesto, kinubra ni Wang ang panalo sa Hong Kong Open noong Nobyembre at umabot sa semifinals ng Korean at Malaysian Superstars na ginanap noong Enero, habang pumuwesto sa No.18 slot si Yip matapos makarating sa quarters ng All England Super Series, kung saan nagpasikat ang Hong Kong troika para sa top $6,000 premyo.

Nalaglag naman sa ika- 25th at 26th na puwesto sina Gelita Castillo at Malvinne Alcala sa event na kinikilala ng Philippine Badminton Association at suportado ng Victor (PCOME Industrial Sales, Inc), PLDT Business Solutions, The Philippine STAR, Holiday Inn, Crowne Plaza at Solar Sports.

Ang iba pang pangalan na aabangan ay sina Fatima Cruz, Janelle De Vera, Irene Chiu, Juvy Villarta, Reyne Calimlim, Anna Barredo at Camille Yang na aasahang paparada sa 2012 London Olympics para bigyan karangalan ang galing ng Pinoy. (Sarie Nerine Francisco)


vuukle comment

ALL ENGLAND SUPER SERIES

ANNA BARREDO

BINGO BONANZA

BULGARIAN LINDA ZECHIRI

BUSINESS SOLUTIONS

CAMILLE YANG

CHARMAINE REID

CROWNE PLAZA

FATIMA CRUZ

HONG KONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with