^

PSN Palaro

Powerade Team Pilipinas, mas hahataw sa Jones Cup

-

MANILA, Philippines – Alam ni national head coach Yeng Guiao na hindi mahihirapan ang Powerade Team Pilipinas sa pagdomina sa darating na 8th South East Asian Basketball Association (SEABA) Men’s Championship sa Medan, Indonesia.

Kaya naman mas iniisip niya ang magiging kampanya ng Nationals sa Jones Cup na hahataw sa Hulyo 18-26 sa Taiwan.

Sa Jones Cup, ayon kay Guiao, makikita niya ang kakayahan ng RP Team na sasamahan ni 6-foot-10 Japeth Aguilar.

“That’s why we’re looking forward to it.” ani Guiao. “We’ll have Japeth, there, tapos walang limit sa tao. Doon mage-gauge kung ano talaga ang lakas ng team. That’s the only time frame we have where we can see the future. It’s not a long term thing but a week-by-week scenario that we’ll be looking at.”

Huling nagkampeon ang mga Pinoy sa Jones Cup noong 1999 kung saan ibinandera ni Tim Cone ng Alaska ang Centennial Team.

Ngunit bago ang Jones Cup, kailangan munang pagharian ng Nationals ni Guiao ang SEABA na siyang tumatayong qualifying tournament para sa 25th FIBA-Asia Men’s Championship na nakatakda sa Agosto 6-16 sa Tianjin, China.

Ilan sa mga tropang ina-asahang makakasagupa ng Nationals sa SEABA ay ang host Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia at Brunei, habang ang top three teams naman sa FIBA-Asia ang siyang magiging kinatawan ng Asya sa 16th World Championship sa Istanbul sa 2010.

Nakatakdang pangalanan ni Guiao ang bubuo sa 12-man national team na lalahok sa SEABA na didribol sa Hunyo sa Medan, Indonesia.

Bunga na rin ng pagkakaroon ng ‘blood disorder’ ni Kelly Williams, awtomatiko nang tanggal sa tropang sasabak sa SEABA ang 2008 PBA Most Valuable Player awardee.

“At least isa na lang ang ibababa,” wika ni Guiao sa isa pang player na makakasama ng 6’5 na si Williams, hindi na nakapaglaro matapos ang panalo ng Nationals sa North All-Star noong Abril sa PBA All-Star Weekend sa Negros Occidental. “But it will still be tough.” (Russell Cadayona)


vuukle comment

ALL-STAR WEEKEND

ASIA MEN

CENTENNIAL TEAM

GUIAO

JAPETH AGUILAR

JONES CUP

KELLY WILLIAMS

MEDAN

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with