^

PSN Palaro

Hattton, target asarin ni Roach

-

MANILA, Philippines - Matapos makipag-asaran sa kapwa niya trainer na si Floyd Mayweather, Sr., tinarget naman ni Freddie Roach si Briton Ricky Hatton.

Hiniritan ng 49-anyos na si Roach ang tinaguriang “Hitman” ng 30-anyos na si Hatton, nakatakdang idepensa ang kanyang suot na International Boxing Organization (IBO) light welterweight crown kontra kay Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

“Hitman is an accurate name for Hatton because on May 2, Hatton is going to get hit, man, and a lot!” wika ni Roach sa panayam kahapon ng doghouseboxing.com.

Sa pagiging isang ‘one-dimensional fighter’ ni Hatton, sinabi ng Hall of Fame trainer na binibigyan lamang niya ang 30-anyos na si Pacquiao ng hanggang three rounds para pabagsakin ang tubong Manchester, England.

“I told Manny I would be disappointed if the fight lasts longer than three rounds,” ani Roach.

Bago si Hatton, nakipag-asaran na rin ang dating pro boxer kay Mayweather, Sr., ang ama ni world five-division titlist Floyd “Pretty Boy” Mayweather, Jr. na siyang nagmantsa sa dating malinis na ring record ng Briton slugger.

Kagaya ni Mayweather, Sr., hindi rin pinaligtas ni Roach sa kanyang panunuya si Hatton.

“Ricky Hatton is like the Manchurian Candidate, but since he is from Manchester, England I’ll call him the Mancunian Candidate,” ani Roach sa kanyang pagpansin sa isang Cold War-era novel at pelikulang nagtampok sa isang anak na mula sa prominenteng political family na binuyo para pumatay ng mga komunista.

Idinagdag ni Roach na huli na para pagandahin ni Mayweather, Sr. ang kilos ni Hatton.

“I know Floyd is trying to deprogram Ricky from being a one-dimensional puncher, but it’s too late to try and brainwash a fighter who has close to 50 fights during a 12-year professional career,” ani Roach. “The fact is Floyd couldn’t program a VCR much less a fighter with so many bad habits ingrained into him.”

Ang pagiging agresibo at bara-bara ni Hatton ang sinabi ni Roach na angkop sa istilo ni Pacquiao patungo sa pag-angkin ni “Pacman” sa kanyang pang limang world title. (Russell Cadayona)

vuukle comment

BRITON RICKY HATTON

COLD WAR

ENGLAND I

FLOYD

HATTON

MAYWEATHER

PACQUIAO

ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with