UP Lady Maroons mag-iingay
() - April 21, 2009 - 12:00am

MANILA, Phillippines - Makagawa ng ingay sa kanilang unang pagpalo ang inaasam ng University of the Philippines sa kanilang debut sa Shakey’s V-League kontra sa Far Eastern University habang babangon naman ang Ateneo-OraCare mula sa kabiguan noong opening sa kanilang pakikipagtipan sa Lyceum sa Fil Oil Flying V Arena sa San Juan City.

Umaasa sina guest players Rubie de Leon at Danielle Castañeda na mabibigyan ng inspirasyon ang team na kinabibilangan nina Jed Montero, Cathy Barcelon, Southlyn Ramos, Pau Genido at Amanda Isada sa kanilang laban kontra sa Lady Tams sa pang-alas-dos ng hapon na laro.

 Manggagaling ang Lady Tamaraws sa runner-up finish sa likuran ng La Salle sa nakaraang UAAP season at inaasahang sasandal sa serbisyo ng mga guest players na sina Tina Salak at Mayete Carolino kasama ang mainstay na sina Rachel Daquis, Shaira Gonzalez, Maica Morada, Cherry Vivas at Rose Ann Taganas para pigilan ang UP.

Sa kabilang banda, ang makahatak ng panalo ang puntirya ng Lady Eagles kontra sa Lady Pirates sa pang-alas-4 ng hapon na engkuwnetro sa ligang hatid ng Shakey’s Pizza. (Sarie Nerine Francisco)


AMANDA ISADA CATHY BARCELON CHERRY VIVAS DANIELLE CASTA FAR EASTERN UNIVERSITY FIL OIL FLYING V ARENA JED MONTERO LA SALLE LADY EAGLES LADY PIRATES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with