^

PSN Palaro

RP umusad sa semis sa Davis Cup

-

MANILA, Philippines - Pinayuko ni Fil-Am Cecil Mamiit si Martin Sayer ng Hong Kong, 6-4, 4-6, 3-6, 7-6 (4), 9-7, upang ibigay sa Philippines ang semifinals berth sa Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup competitions sa Victoria Park sa Hong Kong.

Naisalba ng 32 anyos na si Mamiit ang match point sa ikaapat na set, natalo ng dalawa sa kanyang ikalimang frame ngunit bumawi para iselyo ang tagumpay matapos ang apat na oras at 10 minutong bakbakan.

At dahil sa panalong ito, naging exhibition game na lamang ang bakbakan sa pagitan nina Fil-Am Treat Conrad Huey at Hiu Tung Yu.

Ang tagumpay ding iyon ang nagpanatili sa dominasyon ng Pinas laban sa Hong Kong, na nanatiling walang talo sa anim na pagkikita.

Haharapin ng Philippines ang Pakistan sa semis na nakatakda sa July 8-10 sa Pakistan.

Umabante ang Pakistanis sa pamamagitan ng 3-0 sweep sa Oman.

vuukle comment

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

FIL-AM CECIL MAMIIT

FIL-AM TREAT CONRAD HUEY

HAHARAPIN

HIU TUNG YU

HONG KONG

MAMIIT

MARTIN SAYER

VICTORIA PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with