^

PSN Palaro

Misyon Ng Realtors

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Kahit paano’y isang malaking statement ang 92-88 panalo ng Sta. Lucia Realty laban sa San Miguel Beer noong nakaraang Miyerkules!

Biruin mong nagawa iyon ng nagtatanggol na kampeong Realtors kahit na hindi nila nakasama sa laro ang reigning Most Valuable Player na si Kelly Williams at ang Rookie of the Year noong nakaraang season na si Ryan Reyes.

Namamaga pa kasi ang mata ni Williams na aksidenteng nasundot ni JR-Reyes sa laban ng Sta. Lucia at Rain or Shine noong Nobyembre 14 sa Ynares Center. Si Ryan Reyes naman ay hindi pa rin makapaglaro dahil sa pananakit ng likod.

Ang dalawang players na ito ay itinuturing na ‘future” ng Sta. Lucia. Silang dalawa ang pundasyon ng franchise sa mga dadating pang seasons.

Pero kahit na wala sila ay nagawa pa rin ng ibang Realtors na mag-step up. Hindi biru-biro ang kanilang nakalaban sapagkat ang Beermen ay itinuturing na isa sa mga paborito sa KFC-PBA Philippine Cup matapos na masungkit nila ang matatangkad na players na sina Anthony Washington buhat sa Talk N Text at Mick Pennisi buhat sa Red Bull.

Papasok sa larong iyon ay agrabyado talaga ang Realtors at maraming nag-akalang madali silang matatambakan ng San Miguel. Pero hindi iyon nangyari.

Sa halip ay nag-step up si Joseph Yeo na nagtala ng career-high 38 puntos. Gumawa din ng double-double ang bete-ranong si Norman Gonzales na nagtapos nang may 25 puntos at 11 rebounds. Patuloy namang pinupunan ni Paolo Mendoza ang pagkawala ni Reyes nang mag-ambag ito ng 14 puntos.

Dahil sa panalong iyon ay maraming nagsasabing posible ngang maidepensa ng Realtors ang korona at maging unang team na nakapagtala ng back-to-back all-Filipino titles buhat nang ito’y gawin ng Great Taste noong 1984 at 1985 seasons. Aba’y 23 taon nang hindi nakukumpleto ang ganitong achieve-ment.

At ito naman talaga ang target nina team owner Exequiel Robles at team manager Buddy Encarnado. Magugunitang nang magkampeon ang Sta. Lucia noong nakaraang season ay tinanong sila kung ano ang mas nais nilang mangyari: Back-to-back championships sa isang season o back-to-back All-Filipino titles?

Kapwa nila sinabing mas masarap siguro yung back-to-back all-Filipino championships. Kasi nga’y mapapatunayan nila na sila ang pinakamagaling na team.

Iyon ang kanilang challenge sa kasalukuyang torneo.

Alam iyon ng lahat. Kaya naman mula sa superstars hanggang sa role players hanggang sa mga paminsan-minsan lang nagagamit ay nagpapakitang-gilas upang matupad ang kanilang misyon!

vuukle comment

ANTHONY WASHINGTON

BACK

BUDDY ENCARNADO

EXEQUIEL ROBLES

GREAT TASTE

JOSEPH YEO

KELLY WILLIAMS

LUCIA REALTY

MICK PENNISI

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with