Krusyal na panalo sa SLR, TNT
() - July 11, 2008 - 12:00am

Ang larong ito ang mag­dedetermina kung si­no sa Sta. Lucia at Talk ‘N Text ang sasagupa sa nag­hihintay na Barangay Gi­ne­­bra sa quarterfinal round.

Maghaharap ang Real­tors at ang Phone Pals nga­yong alas-7 ng gabi para pag-agawan ang pang-apat at huling out­right quarterfinals berth pa­ra sa 2008 PBA Fiesta Con­ference sa Ynares Cen­ter sa Antipolo City.

Bago naayos ang kani­lang banggaan para sa pagkakataong sagupain ang Ginebra sa best-of-three quarterfinals series sa Linggo, tinalo muna ng Sta. Lucia ang nagdede­pensang Alaska, 99-86, ha­bang iginupo naman ng Talk ‘N Text ang Purefoods Tender Juicy, 98-83, noong Miyerkules.

Sa nasabing tagumpay laban sa Giants, nagka­roon ng salpukan sina im­port Terrence Leather, Jon Dan Salvador at James Yap sa 9:38 ng final canto kung saan tangan ng  Pals ang 79-63 abante.

Maliban sa naturang pa­nanaig sa Purefoods, tangan rin ng Talk ‘N Text ang 2-0 rekord laban sa Sta. Lucia sa kanilang pag­haharap sa elimination round. (RCadayona)

BARANGAY GI FIESTA CON JAMES YAP JON DAN SALVADOR N TEXT PHONE PALS PUREFOODS TENDER JUICY SHY TERRENCE LEATHER
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with