^

PSN Palaro

UAAP Season 71 didribol

-

University of the East, Ateneo de Manila University, defending champion De La Salle University at University of Santo Tomas.

Yan ang mga paborito sa UAAP men’s basketball tournament.

At sa pagbubukas ng Season 71 ng college wars ngayon sa  dudumuging Araneta Coliseum, masusukatan na ang walong teams.

Bubuksan ng Far Eastern University at ng Adamson University ang aksiyon sa alas-2:00 ng hapon at isusunod ang kapanapanabik na sagupaan ng UE Red Warriors at UST Tigers sa alas-4:00.

Nakatuon ang lahat ng mata ngayon sa East na isa sa mga pre-season favorites dahil sa kanilang tagumpay sa nakaraang 2008 Filoil-Flying V pre-season-tournament.

Wala na ang mga big men ng UE na sina Kelvin Gregorio at Mark Borboran ngunit nakakuha ng kapalit ang sa katauhan nina James Martinez, Hans Thiele, Marcy Arellano, Elmer Espiritu at Pari Llagas.

May kakayahan ding muling makapagtala ng sorpresa ang University of Santo Tomas tulad noong 2006 nang gumapang sila mula sa ilalim patungo sa titulo.

Wala namang pressure sa sa FEU Tamaraws at Adamson Falcons ngunit parehong may kakayahan ang mga koponang ito na magtala ng sorpresa.

Isang makulay at magarbong opening program ang inaasahang inihanda ng host University of the Philippines na nagdiriwang ng kanilang Centennial Year, na magsisimula sa ala-una ng hapon.  (Mae Balbuena)

vuukle comment

ADAMSON FALCONS

ARANETA COLISEUM

CENTENNIAL YEAR

PLACE

SANTO TOMAS

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with