^

PSN Palaro

Phone Pals iniligtas ni Ritualo

-

Umiskor si Renren Ritualo ng winning basket upang maitakas ng Talk N Text ang 102-101 panalo kontra sa Purefoods sa pag-usad ng ikalawang round ng eliminations sa 2008 PBA Fiesta Conference na dumako sa Cuneta Astrodome kagabi.

Matapos kumana ng maaking basket si James Yap para kumpletuhin ang 8-0 run na nagbigay sa kanila ng 101-100 trangko, mahusay na ball movement ang isinagawa ng Phone Pals laban sa mahigpit na depensa ng Purefoods upang makakawala si Ritualo sa kanyang krusyal na basket, may 6.4 segundong natira sa huling posesyon ng Giants.

Gayunpaman, si import Terence Leather ang naging susi ng tagumpay sa kanyang mahigpit na depensang ipinamalas laban kay Yap, ilang beses nang umiskor ng winning basket para sa Purefoods, para mapuwersa itong ipasa ang bola hanggang sa tumunog ang final buzzer.

Nabaon ang Talk N Text ng 12-puntos sa first half ngunit nakadikit sila sa ikalawang quarter sa tulong ni Leather at umabante ng ito ng puntos sa final canto 100-93 mula sa tres ni Jimmy Alapag para sa 10-0 atake bago bumangon ang Giants.

Umangat ang Phone Pals sa 8-7 katabla ang Alaska at Magnolia na nakikipaglaban sa Coca-Cola (9-6) habang sinusulat ang balitang ito. (MBalbuena)

vuukle comment

CUNETA ASTRODOME

FIESTA CONFERENCE

JAMES YAP

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

PUREFOODS

RENREN RITUALO

TALK N TEXT

TERENCE LEATHER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with