^

PSN Palaro

Fil-Am lady cager lalaro sa Nationals

-

Isang Fil-Am lady cager at dating ace point guard ng University of Maryland ang handang lumahok sa Philippine women’s team na maki-kibaka sa Southeast Asian Basketball (SEABA) women’s championship.

Isa si Victoria Lynne Brick sa inaasintang dayu-han na tutulong sa National team.

Ito ang inihayag ni head coach Fritz Gaston nang maging panauhin ito sa opening ceremonies ng 38th WNCAA.

Si Brick, ay naging miyembro ng high school All-American para sa McDonough Tornados sa Maryland bago naging miyembro ng 1999 at kinakitaan ng kanyang husay sa depensa at ga-ling sa play-making para sa koponan na tutungo sa Singapore sa Setyembre.

Si Brick ay may average na 3.1 steals at 4.3 assists bawat laban sa 26 games bilang starter ang ikalawa at ikatlong best effort, ayon sa pagkaka-sunod sa isang first year player sa kasaysayan ng NCAA.

Pagkatapos ng kan-yang kolehiyo, naglaro din ang 5’7 na si Brick sa WNBL sa Sydney, Australia.

Nakatakdang duma-ting si Brick sa bansa sa loob ng dalawang linggo mula sa Amerika.

“I’m eagerly awaiting her arrival,” ani Gaston sa  26 anyos na kanyang tuklas. “Having played (NCAA) Division I (basketball) in the USA and professionally in Australia, she will bring excitement in RP basketball, raise the level of play and hopefully help us win (our) first SEABA gold.”

Sinabi rin ni Gaston na ihahayag niya ang pinal na komposisyon ng wo-men’s team bago ang SEABA tournament.

vuukle comment

DIVISION I

FRITZ GASTON

GASTON

ISANG FIL-AM

SI BRICK

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL

UNIVERSITY OF MARYLAND

VICTORIA LYNNE BRICK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with