^

PSN Palaro

UP Lady Maroons kampeon

-
Pasig City --Umiskor ng dalawang run sa ikaapat na inning ang UP Lady Maroons patungo sa pagkopo ng 2007 ASAPhil inter-collegiate women’s softball championship na ginanap sa Rosario Sports Complex dito.

Kanilang ikalawang korona na ang una ay noong nakaraan April 21 National Open championships.    

Pinatse ni Dioni Macasu ang pito sa magkakahiwalay na 6 na hits at bumanat naman ng dalawang hits si Jocelyn Gonzales na may dalawang RBI (run-batted-in) upang pamunuan ang opensa ng Lady Maroons.

Ang dalawang run ng UP sa 4th inning ang nagsilbing turning point ng kanilang panalo dahil na rin sa na-kontrol ni Macasu ang labanan.   

Binuksan ng UP ang laro sa pamamagitan ng run-scoring single ni Macasu na naghatid kay Christina Daque.

Buhat dito, hindi na pinabayaan pang makatabla ang UST bagamat nakaiskor ng run sa ika-6th inning sa pamamagitan ng single ni Gedda Valencia ang Tigresses mula kay Jane Locsin.

Una dito, tinalo ng Lady Maroons sa semifinals ang Adam-son U Lady Falcons sa pamamagitan ng RBI single ni Zeny Badajos sa 6th inning para sa 1-0 panalo ng UP. (Adela Cruz)

vuukle comment

ADELA CRUZ

CHRISTINA DAQUE

DIONI MACASU

GEDDA VALENCIA

JANE LOCSIN

JOCELYN GONZALES

LADY MAROONS

MACASU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with