‘Goodluck’ na lang sa iyo Morales — Roach
() - July 23, 2006 - 12:00am
Maniwala kayo’t sa hindi, sinabihan ni Freddie Roach si Mexican fighter Erik Morales ng "good luck" matapos itong makapanayam ng boxing website na fightnews.com.

Walang nagawa si Roach kundi resbakan si Morales matapos nito umanong tirahin ang premyadong trainer sa internet kung saan sinabi ng Tijuana native na "loudmouth" at "nasty guy" si Roach.

"I just wish Erik Morales good luck, because on Nov. 18, he’s gonna need it," wika ni Roach.

Nainis si Roach nang marinig sa isang interview kung paano laitin ni Morales si Pacquiao at hindi nakapagpigil ang dating world featherweight contender sa mga paninirang-puri.

"Nobody talks like that to my fighter. Manny is a nice kid," sambit pa ni Roach na siyang trainer ni Pacquiao simula pa noong Mayo 2001.

Magtatagpo sina Pacquiao at Morales sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas sa pangatlong pagkakataon at inaasahan na magiging mas matindi ang salpukang ito kumpara sa naunang dalawang laban.

Pupunta naman ng Amerika si Pacquiao sa unang linggo ng Agosto upang personal na pirmahan ang official contract ng laban kay Morales, ayon sa kanyang confidant na si Wakee Salud.

AGOSTO AMERIKA ERIK MORALES FREDDIE ROACH LAS VEGAS MAGTATAGPO MANIWALA PACQUIAO THOMAS AND MACK CENTER WAKEE SALUD
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with