^

PSN Palaro

Lady Stags vs Lady Archers para sa V-League title

-
Sumandal sa kanilang Thai import, binigo ng San Sebastian College ang pagbangon ng Adamson at itala ang, 25-13, 25-16, 23-25, 27-25 panalo para sa huling championship berth ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Naungusan ni Jaroen-sri Bualee si Cherry Rose Macatangay sa inaasa-hang bakbakan sa pagitan ng mga power hitters ng liga nang umiskor ito ng 26 hits sa atake kabilang na ang sumira sa 25-all count sa ikaapat na set.

Bunga ng panalong ito, makakaharap ng Lady Stags ang defending champion La Salle sa best-of-three finals ng event na hatid ng Shakey’s Pizza.

Ang Game One ng serye na suportado din ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports, ay magsisimula bukas ng alas-2 ng hapon.

At totoong ipinakita ng Lady Stags, ang reigning NCAA champion ang kani-lang pamatay na porma na tila nakikipaglaban na para sa korona.

Dinomina ng San Sebas-tian ang unang dalawang sets sa mga atake ni Bualee patungo sa 10-8 abante sa ikatlong set.

Ngunit nagpakatatag sa depensa ang Lady Falcons at nagawang pigilan si Bualee at ang iba pang hitters para maagaw ang bentahe sa 19-11.

vuukle comment

ANG GAME ONE

BLUE EAGLE GYM

BUALEE

CHERRY ROSE MACATANGAY

LA SALLE

LADY FALCONS

LADY STAGS

SAN SEBAS

SAN SEBASTIAN COLLEGE

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with