^

PSN Palaro

Ginebra vs Coke

-
Kung maipapanalo ng defending champion Barangay Ginebra ang kanilang asignatura nga-yon laban sa league-leader na Coca-Cola ay magandang pagbangon ito matapos ang sunud-sunod na kabiguan.

Sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup sa Cuneta Astro-dome, tututukan ang sagupaang Coca-Cola at Barangay Ginebra sa alas-4:40 ng hapon.

Matapos buksan ang kampanya sa pagta-tanggol ng titulong dala-wang sunod na panalo, mabilis ang pagbulusok ng Gin Kings dahil sa kanilang tatlong sunod na kabiguan kabilang ang season lowest output na 56-puntos sa pagkatalo sa Purefoods.

Ang kanilang tagum-pay ay magtataas ng kanilang morale upang iangat ang kartada na 2-3 kung saan katabla nila ang Talk N Text.

Nasira naman ang mayabong na karta ng Coca-Cola na nakaapat na sunod na panalo nang kanilang malasap ang kauna-unahang kabiguan sa 82-100 laban sa Talk N Text.

Gayunpaman ay na-nanatili sa pangkalaha-tang pamumuno ang Tigers taglay ang 4-1 record ngunit kung sila ay mabibigo ay makaka-sosyo nila ang mananalo sa pagitan ng Chunkee Giants at Red Bull sa ikalawang laro sa alas-7:35 ng gabi. (CVOchoa)

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

CHUNKEE GIANTS

COCA-COLA

CUNETA ASTRO

GAYUNPAMAN

GIN KINGS

GRAN MATADOR BRANDY

PHILIPPINE CUP

RED BULL

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with