^

PSN Palaro

Cager na hiwalay magpapakasal na rin

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Nagpa-plano na rin daw magpakasal ang isang basketball player na minsan nang nahiwalay sa kanyang asawa.

Happy na siya sa kanyang second wife, ang ipinalit niya sa kanyang asawa na hindi naman bagay sa kanya.

May mga anak na siya sa bago niyang asawa kaya naman tuluyan na niyang nakalimutan si first wife.

Ewan lang kung nagpapadala siya ng suporta kay first wife kasi may mga anak din siya rito.
* * *
Naging masyadong malaki pala ang ulo ng isang basketball coach kaya sila nagkaroon ng problema ng kanyang dating team.

Naging masyadong dominante, at pati raw mga big bosses eh sinaway na.

Nakalimutan yatang head coach lang siya at hindi team manager

Nakalimutan yatang head coach lang siya at hindi team owner.

Masyadong pumasok sa ulo ang kayabangan.

Kaya ang ginawa ni team manager, tsinugi siya.

At sinipa rin siya ng team owner
* * *
Matagal na raw itinatago ng isang PBA popular player ang tungkol sa kanyang mga magulang.

Ayaw daw niyang malaman ng iba na matagal na palang hiwalay sina Papa at Mama.

Kami nga, kailan lang namin nalaman.

Hirap na hirap pala ang mag-asawang ito na magpanggap na sila pa rin. Pero ang tutuo, wala na sila noon pa.

Kaya pala sa mga transakyon ni player, ang ina lang ang sumisipot. Siya lang ang pumipirma.

Ang ama, palaging wala.

Kapag tinanong mo si player kung bakit si Mommy lang ang kasama niya, sasabihin niya sa iyong susunod na lang si Papa, may inasikaso lang.

Eh yung ibang tao pa naman, hate makipag-deal kay Mama dahil may pagkamahadera at pakialamera.

Yun pala, hindi na darating si Papa dahil ayaw naman niyang makita si ex-misis.

Kaya pag nasa coliseum si Papa at nanood sa anak niya, asahan mong hindi mo makikita si Mama.

Pero pag si Mama naman ang nandyan, tiyak wala si mister.

At yan ang isang sikreto na matagal nang itinatago ng magaling na player na ito.

Eh ang tanong? Ano naman ang dapat ikahiya kung hiwalay na sina Papa at Mama?
* * *
Nagbago na raw ang magaling na pro player na ito sa relasyon niya sa kanyang asawa.

Noon kasi, babaero si player, at mahilig sa nightlife.

Mula raw nung nilusob ni misis ang ‘mistress’ ng asawa niyang player sa loob ng coliseum, nangako siyang magbabago na siya.

Dati kasing nasa probinsiya itong si misis at nung makatanggap sya ng tip na ang mister niya ay may kinalolokohang babae, umuwi siya rito ng hindi alam ni player.

Naglalaro pa si mister nung pumasok sa coliseum at sinugod si mistress sa kinauupuan nito.

Mula nun, hindi na sila nagkitang muli ni mistress.

Naging good boy na rin siya.

vuukle comment

ANO

KAYA

LANG

MULA

NAKALIMUTAN

PERO

PLAYER

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with