Pinoy wushu artists tagumpay sa kampanya
() - December 2, 2005 - 12:00am
May dapat ikasiya ang Wushu Federation Philippines dahil tagumpay sila sa kanilang hagngaring makasungkit ng maraming gintong medalya sa pagtatapos ng 23rd SEA Games wushu event sa Emilio Aguinaldo College gymnasium sa Taft Avenue, Manila.

Humakot ng kabuuang 11 gold, 5 silver at 3 bronze medals ang mga Pinoy wushu artists upang ganap na tanghaling overall champion sa nasabing biennial meet.

"It was a very, very good showing by our athletes," sabi kahapon ni WFP president Julian Camacho. "I cannot ask for more from them sa ipinakita nilang performance in this 2005 Philippine SEA Games."

Malaking improvement sa kanilang performance sa Vietnam SEA Games noong 2003 kung saan humakot lamang sila ng 6 golds, 4 silvers at 5 bronzes sa likuran ng overall champion at host Vietnam.

"Talagang maganda ang naging training nila this time. Iyong ibang athletes natin, kagaya ni Pedro Quina, nagpunta sa China for a four-month training. I think that was a big contribution in our success," ani Camacho.

Kumana ng dalawang gintong medalya si Willy Wang sa men’s jianshu at quangshu, dalawa din si Aida Yang sa women’s daoshu at duilian at Vicky Ting sa women’s jianshu at duilian events.

Ang iba pang gold medalist ay sina Arvin Ting (men’s daoshu), Rene Catalan (men’s sanshou 48kg.), Pedro Quina (men’s nanquan), Edward Folayang (men’s sanshou 79kg.) at Rhea May Rifani (women’s sanshou 52kg.)

Tanging silver lamang ang nakayanan nina Kenneth Lim (men’s taijijian at taijiquan), Rexel Ngan-hayna (men’s sanshou 56kg.), Janice Hung (women’s taijiquan) at Jennifer Laglilag (women’s sanshou 45kg.)

Naka-bronze naman sina Ting sa men’s changquan, Kenneth Lim sa men’s taijiquan at Mark Eddiva sa men’s sanshou 60kg. (Sarie Francisco)

AIDA YANG ARVIN TING EDWARD FOLAYANG EMILIO AGUINALDO COLLEGE JANICE HUNG JENNIFER LAGLILAG JULIAN CAMACHO KENNETH LIM MARK EDDIVA MEN PEDRO QUINA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with