Tanggap na ng POC na walang basketball
November 11, 2005 | 12:00am
Sa isang iglap, nag-bago ang misyon ng Philippine Olympic Com-mittee (POC) para sa kanilang pakikipagpu-long sa mga miyembro ng Southeast Asian Games Federation Council kaha-pon sa Bangkok, Thai-land.
Makaraang ihayag na ilalatag nila ang kanilang argumento para maidaos ang basketball event sa 23rd SEA Games, nag-iba na ang tono ng POC.
Sa isang radio inter-view mula sa Bangkok, Thailand, sinabi ni POC chairman Robert Aven-tajado na gusto lamang nilang ipagbigay-alam sa mga miyembro ng SEAG Federation Council na wala nang basketball event sa 2005 SEA Games.
"Gusto lang naming impormahan ang Council na wala nang basketball sa Southeast Asian Games," ani Aventajado.
Bago lumabas ang babala ni South East Asian Basketball Asso-ciation (SEABA) secre-tary-general Dato Yeoh Choo Hock sa kanilang mga miyembro noong Nobyembre 8, binalaan na rin ni FIBA secretary-general Patrick Baumann ang POC noong Nob-yembre 1 na papatawan ito ng parusa sakaling magdaos ng basketball event sa 2005 SEA Games o anumang tor-neo.
Ang nasabing liham ni Baumann ay itinago nina Aventajado at POC presi-dent Jose "Peping" Co-juangco, Jr. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended