^

PSN Palaro

2005 World Pool Championship: Pagulayan, Luat namayani sa round of 64

-
Kaohsiung, Taiwan – Nagtala ng magkaibang panalo sina Alex Pagula-yan at Rodolfo Luat sa panimula ng knockout phase habang hindi na-man sinuwerte si Francisco Django’ Bustamante para makaabante sa final 32 ng 2005 World Pool Championship sa Kaohsiung Business Exhibition Center.

Tinalo ni Pagulayan si Park Shin Young ng Korea, 10-5, kahapon habang mas magaan naman ang landas ni Luat patungo sa round of 32 nang payukurin niya si Luong Chi Dung ng Vietnam, 10 -1.

Samantala, hindi na-man naging masuwerte si Bustamante makaraang lumasap ng paninilat ni Chang Jung Ling ng Chinese-Taipei, 10-8.

Napako si Bustamante, 2002 runner-up sa 5-1, nang hakutin ng

Taiwanese ang sumunod na pitong racks. Nagawa pa ng Pinoy, na dating world number 1, ang makatabla sa 8-all ngunit isang masamang desisyon sa 17th rack ang tuluyang nagsara ng pinto sa kanya.

Nilinis ng 20 anyos na si Chang ang sumunod na dalawang racks at makaabante sa round of 32 ng US$ 350,000 event na ito.

Nauna rito, bukod kina Pagulayan, Luat, at Bustamante, lima pang Pinoy cue artists ang nakasama sa round of 64.

Ito ay sina Marlon Manalo, Warren Kiamco, Dennis Orcullo, Ronnie Alcano at Gandy Valle na kasalukuyang nakikipag-laban sa kani-kanilang kalaban, habang sinusulat ang balitang ito.

Si Manalo, ang unang Pinoy na nakapasok sa knockout phase ay nakikipaglaban kay Charles Bryant ng US.

Nakikipagpalitan naman ng sargo si Kiamco kay David Reljic ng Aus-tralia habang ang Group 5 top finisher na si Orcullo ay makikipaglaban kay Wang Hua Fong ng Taiwan.

Sina Alcano at Valle, kapwa leg winners sa katatapos na San Miguel Asian 9-Ball Tour, ay nakatakda namang makipagtagpo kina dating world champion Thorsten Hohmann ng Germany at Do Huang Quan ng Vietnam, ayon sa pagkakasunod.

Hindi rin naging mapalad ang pambato ng bansa na si Efren ‘Bata’ Reyes na hindi nakalusot sa round of 64 bagamat naipanalo nito ang huling dalawang laban niya kontra kina Mike Davis ng United States at Tony Drago ng Malta. Si Reyes ay napatalsik kasama ni Antonio ‘Nikoy’ Lining.

Nakapasok sa final day ng group stage kinailangan ng 50 anyos na si Reyes ng dalawang ta-gumpay na kanya namang nakamit. Ngunit binigo ng kanyang ka-grupo ang pagpasok ng Pinoy legend nang mag-split si Davis sa kanyang dalawang asignatura habang na-sweep naman ng Indonesian na si Adam Abdurahim ang kanyang laban. Tinapos naman ni Lining ang kanyang kapalaran mula sa 2 panalo sa pitong laban.

vuukle comment

ADAM ABDURAHIM

ALEX PAGULA

BALL TOUR

BUSTAMANTE

CHANG JUNG LING

CHARLES BRYANT

DAVID RELJIC

DENNIS ORCULLO

DO HUANG QUAN

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with