^

PSN Palaro

Ritual nagbida sa Express

-
ANTIPOLO City – Nagpaulan si Ren Ren Ritualo ng record na walong sunod na tres sa ikaapat na quarter upang ihatid ang FedEx sa 116-106 panalo laban sa Red Bull sa pag-usad ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Ynares Center dito kagabi.

Matapos maglaho ang 24 puntos na kalamangan ng Express sa first half nang makalapit ang Barakos sa 75-77, nagsimulang mag-init si Ritualo na kumayod ng 27 sa kanyang tinapos na career-high 36 puntos upang panatilihing naka-distansiya ang FedEx tungo sa ikalimang panalo matapos ang 11-laro.

Ang 27-puntos ni Ritualo sa fourth quarter ay ang third all-time most ng local katabla si Allan Caidic sa likod ng 30-puntos ni Paul Alvarez at ang nangungunang 37 puntos din ni Caidic.

Ang walong sunod na tres kabilang ang bihirang four-point play na tinapos ni Ritualo sa pagselyo ng final score bago tumunog ang final buzzer ay tumabla sa all-time record para sa most consecutive three-pointers ni Caidic noong 1991.

Samantala, magpapatuloy naman ang aksiyon sa Cavite City tampok ang sagupaan ng Sta. Lucia Realty at Talk N Text sa San Sebastian Gym sa alas-4:30 ng hapon.

vuukle comment

ALLAN CAIDIC

CAIDIC

CAVITE CITY

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

LUCIA REALTY

PAUL ALVAREZ

RED BULL

REN REN RITUALO

RITUALO

SAN SEBASTIAN GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with