^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Bacchus ubos sa Welcoat

-
Dala ang alaala ng nakaraang mapait na pagkatalo, ibinuhos ng Welcoat Paints ang kanilang sama ng loob sa Bacchus Energy Drink nang kanilang hatakin ang 89-79 panalo sa 2005 PBL Unity Cup na nagpatuloy ng eliminations sa San Beda gym kahapon.

Nagsanib ng puwersa sina Christian Guevarra, Anthony Washington at Paolo Orbeta para sa kabuuang 46-puntos upang makabangon ang Paint Masters sa masaklap na 86-88 pagkatalo laban sa karibal na Montaña Pawnshop sa isang overtime kamakalawa.

Ang naturang kabiguan ay ang unang pag-katalo ng Welcoat mata-pos ang tatlong sunod na panalo ngunit dahil sa kanilang tagumpay na ikaapat sa limang laro, nakadikit pa rin sila sa nangungunang Montaña na may malinis na 4-0 win-loss slate.

Kinontrol ng Welcoat ang ikaapat na canto upang palakihin sa double digit ang kanilang kalamangan na umabot sa 12-puntos, 76-64 matapos pangunahan ni Guevarra ang 13-7 run patungo sa huling minuto ng labanan.

Bagamat nagbanta ang Bacchus na agawin ang tagumpay, nasiguro ng Welcoat ang kanilang panalo nang ipasok ni Orbeta ang dalawang freethrows para sa kom-portableng 86-76 kalamangan patungo sa huling 66-segundo ng laro. (CVOchoa)

vuukle comment

ANTHONY WASHINGTON

BAGAMAT

CHRISTIAN GUEVARRA

MONTA

PAINT MASTERS

PAOLO ORBETA

SAN BEDA

UNITY CUP

WELCOAT

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with