^

PSN Palaro

332 players na ang kasali sa JVC Badminton Open Juniors

-
Umaabot na sa 332 players ang maglalaban-laban para sa pangunahing karangalan sa iba’t ibang division ng two-category JVC Badminton Open Juniors Championships, na magsisimula sa Abril 2 sa SM North EDSA.

Ang torneo na suportado ng Gosen, Cebu Pacific, Water Front Hotels, Lactacyd ay tatagal hanggang Mayo 29 at magsisilbing launching tournament para sa taunang progra-ma ng JVC na tatapusin ng grand finale sa pagitan ng mga pangunahing corporate firms at elite players ng bansa.

Sa kabilang dako, inihayag din ng organizing IMG na ang deadline sa pagsusumite ng entries sa four-stage JVC regional championships ay sa Abril 15 para sa Pampanga leg na nakatakda sa Abril 18-22. Para sa ilang detalye tumawag sa (045) 860 9999/ 0918 3902134/ 0917 8120194. Iho-host naman ng Cebu ang second leg sa April 25-29 sa Metro Sports Badminton Club sa Salinas Drive, Lahug, Cebu City at ang deadline ng pagpapalista ay sa April 15. Para sa detalye tumawag sa (032) 233 3338/ (032) 234 4526. Ang ikatlong yugto ay gaganapin sa Davao sa May 9-13 sa Wheels and More Drive, JP Laurel Ave., Bajada, Davao City. At ang deadline sa pagpapalista ay sa May 2. Kontakin naman ang telepono bilang (082) 255 5700/ (082) 300 0800 para sa detalye.

Isasara ng Bacolod ang four-leg regional swing sa May 16-20 sa Pohang Badminton Center sa Dr. Pablo Torre St., Bacolod City. Ang huling araw ng pagpaparehistro ay sa May 12. Para sa detalye tumawag sa (034) 433 3632/ (034) 433 1295.

vuukle comment

ABRIL

BACOLOD CITY

BADMINTON OPEN JUNIORS CHAMPIONSHIPS

CEBU CITY

CEBU PACIFIC

DAVAO CITY

DR. PABLO TORRE ST.

LAUREL AVE

METRO SPORTS BADMINTON CLUB

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with