^

PSN Palaro

Beermen yanig sa Barakos

- Carmela Ochoa -
Napatalsik sa court si coach Yeng Guiao dahil sa pagrereklamo ng isang non-call ngunit mahusay na ginampanan ng kan-yang assistant na si Gie Abanilla ang kanyang naiwanang trabaho upang ihatid ang Red Bull sa 94-90 panalo na dumungis sa malinis na katayuan ng San Miguel sa pagpapatuloy ng aksiyon ng PBA Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

Naging tinik sa lala-munan ng Barakos si import Chris Burgess, tumapos ng 34-puntos at 25 rebounds, hanggang sa huling maiinit na segundo ng labanan kung saan nasiguro lamang ng Red Bull ang kanilang tagumpay nang maipa-sok ni Enrico Villanueva ang huli sa dalawang freethrows na biyaya ng foul ni Nick Belasco para sa final score, 3.2 segun-do na lamang.

May 3:17 minuto pa ang natitirang oras sa ikatlong quarter nang ma-thrown-out si Guiao dahil hindi tinawagan ng foul ang San Miguel import na si Burgess laban kay Enrico Villanueva sanhi ng kanyang dala-wang sunod na technical fouls.

Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang Beermen na makahabol matapos mabaon ng 11-puntos sa first half at naa-gaw nila ang kalamangan sa 88-87 mula sa lay-up ni Burgess, 57.9 segundo na lamang ang nalalabi.

Dito nasubukan ang coaching ability ni Abanilla na sumandal kina Dalron Johnson at Cyrus Baguio na naging susi sa open-siba ng Barakos sa ikaapat na quarter na naging daan para saluhan ng Red Bull sa 2-1 panalo-talo ang Danny Ildefonso-less na SMBeer na luma-sap ng unang kabiguan matapos mamayani sa unang dalawang asigna-tura.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BARAKOS

CHRIS BURGESS

CYRUS BAGUIO

DALRON JOHNSON

DANNY ILDEFONSO

ENRICO VILLANUEVA

FIESTA CONFERENCE

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with