^

PSN Palaro

James Yap nali-link kay Kris Aquino

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Mayroon na ring magagaling na imports sa PBA ngayon at mayroon ding palpak.

Pauuwiin rin ang mga yan sooner or later.

Sayang na naman ang mga dolyares. 
* * *
Kawawa naman ang mga players ng Alaska.

Nilimas ang lahat ng gamit nila sa dugout ng ULTRA nung huling laro nila.

Suwerte nung nagnakaw dahil napakarami niyang nanakaw na wallet, cellphones, sapatos at alahas ng mga players. 
* * *
Kay James Yap naman ngayon nali-link si Kris Aquino.

Dine-deny ito ni Kris at sinabi niyang hindi naman ito tutuo at hindi nanliligaw sa kanya si James.

Ang alam ko, may girlfriend si James na matagal na niyang ka-on kaya hindi rin ako naniniwala sa tsismis na ito.

Pero suwerte si James Yap.

Tutuo man ito o hindi, obvious na pag-uusapan siya at hahabulin na naman siya ng mga showbiz talk shows. 
* * *
Wise decision kay Mac Mac Cardona na mapunta siya sa Welcoat Paintmasters sa PBL bago man lang siya umakyat sa PBA.

Tiyak na malaki ang maitutulong ni Mac Mac sa kampanya ng Welcoat na makabawi sa Montana Pawnshop.

Wala na rin muna ang Addict Mobile team ng Ateneo dahil nag-disband na ito.

Nadismaya siguro sa performance nila last conference. 
* * *
Nananaitili sa Welcoat ang dalawang dating MIT Cardinals na sina Christian Guevarra at Erwin Sta. Maria.

Parehong magaling ang players na ito kaya hindi ito pakakawalan ng Welcoat hanggang nasa amateurs sila.

Next year, puede na rin yan dalawang yan sa PBA. 
* * *
Si Miguel Noble rin, nali-link na kay Ara Mina.

Hindi naman si Eric Menk ang in-love kay Ara dahil may girlfriend naman tong iba.

Si Migs ang seryoso kay Ara.

Kahit nung magbukas ang restaurant business ni Ara kamakailan lang, si Migs ang special guest niya.

Pero as usual, kapag tinanong mo kahit sino sa kanila, ang sagot nila ay ang old familiar showbiz line na "we’re just friends…"

Kailangan pa bang i-memorize yan? 

vuukle comment

ADDICT MOBILE

ARA MINA

CENTER

CHRISTIAN GUEVARRA

ERIC MENK

ERWIN STA

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with