^

PSN Palaro

Shakey's V-League sasambulat bukas

-
Umaasa ng kapana-panabik na laban sa pagitan ng mga mahuhusay na women’s volleyball team sa pagpalo ng Shakey’s V-League bukas na pamumunuan ng collegiate champions San Sebastian at De La Salle sa Lyceum gym.

Bagamat paborito ang SSC at La Salle na mag-aagawan sa korona dahil sa kanilang solido at intact na lineup. Ang apat pang ibang koponan ng 6-team fields ay magbibigay ng matinding banta para sa pangunahing karangalan sa pagbabalik ng women’s volleyball na iki-nalat sa loob ng anim na linggo.

Unang magiging tinik ang University of Santo Tomas, na pinalakas ng mga miyembro ng national team na kinabibilangan nina Brigit Inoferio at Mary Jean Balse, ang top center at open spikers, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang koponang kasali sa anim na linggong torneo kung sa-an ang Mikasa ang official ball at Accel ang official outfitter ay ang Letran, Far Eastern U at NCRAA champion Lyceum.

Sa opening games, nakatakdang magharap ang Letran at Lyceum sa ganap na alas-5 ng hapon matapos ang maikling opening rites sa alas-4 ng hapon. Magtatagpo naman ang UST at La Salle sa ganap na alas-7 ng gabi. Kung saan ang first game ay ‘live’ na mapapanood sa Channel 13.

vuukle comment

BAGAMAT

BRIGIT INOFERIO

DE LA SALLE

FAR EASTERN U

LA SALLE

LETRAN

MAGTATAGPO

MARY JEAN BALSE

SAN SEBASTIAN

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with