^

PSN Palaro

Tryout ng Bayan: 6 na Ilonggos nadagdag sa listahan

-
Anim na kabataang Ilonggo ang nadagdag sa listahan ng mga bagong talentong kinakalap ng Cebuana Lhuillier sa pamamagitan ng programa nitong "Tryout ng Bayan".

Sina Paul Rosal, Raffy Ynion, Huilliard Seth Yap, Elben Leonida, Kristoffer Arriola at Samson King Jr., ang siyang mga nahugot mula sa mahigit 150 aspiranteng dumalo sa tryout na ginanap sa Iloilo Sports Complex kamakailan.

Ayon kina national coaches Boyzie Zamar at Dong Vergeire, ang mga ito ay kinakitaan nila ng potensyal at maaring hubugin upang maging miyembro ng pambansang koponan balang-araw.

Si Rosal ay 6’3 at produkto ng University of Iloilo, si Ynion, 6’2, ay mula naman sa Sun Yat Sen High School habang ang 5’11 na si Yap ay galing Iloilo Chinese Commercial High School.

Kapwa may taas naman na 5’10 sina Leonida, Arriola at King. Sila ay buhat sa Univerisity of San Agustin, Western Institute Technology at Sta. Maria Catholic College, ayon sa pagkakasunod.

Gaya ng ibang napili sa ibang lugar na pinun-tahan ng Tryout ng Bayan, ang anim ay dadalhin dito sa Maynila at isasama sa national training pool. Sila ay bibigyan ng scholarship ng Cebuana Lhuillier.

vuukle comment

BAYAN

BOYZIE ZAMAR

CEBUANA LHUILLIER

DONG VERGEIRE

ELBEN LEONIDA

HUILLIARD SETH YAP

ILOILO CHINESE COMMERCIAL HIGH SCHOOL

ILOILO SPORTS COMPLEX

KRISTOFFER ARRIOLA

MARIA CATHOLIC COLLEGE

RAFFY YNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with