Mahal daw nila ang sports
November 11, 2003 | 12:00am
Habang papalapit na ang Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi at Ho Chi Mihn City sa Vietnam, mananatili daw munang tahimik ang nag-aaway na BAP at BAPI sa kanilang isyu.
Ayon sa kanila, pagkatapos na lamang daw ng SEA Games nila uli ito bubuksan at reresolbahin. Ito rin ang desisyon ng Philippine Olympic Committee.
At tila ganito rin ang mangyayari sa awayan at agawan ng liderato naman sa softball.
Kailangang tapusin muna nila ang SEA Games, para huwag ng maguluhan ang mga atleta at hindi maapektuhan ang kanilang magiging performance sa Vietnam.
Isa pang dahilan kung bakit ititigil muna ang kontrobersiya ng mga nag-aaway na lider ay dahil mahal nila ang sports at ayaw nilang mag-suffer ito.
Mahal?
Mahal nga ba nila ang basketball, Mahal rin ba nila ang softball?
Nag-isip ako ng malalim.
Tila hindi tama na sabihin nilang mahal nila ang mga pinamumunuan nilang sports.
Bakit?
Kasi kung tunay na nagmamahal ka ng isang bagay, hindi mo hahayaan itong masira ng dahil lamang sa pag-aagawan sa liderato.
Kung mahal mo ang isang bagay, magpapaubaya ka dahil kailangan ito upang huwag masira ang pinapangarap mo para sa sports at maging sa atleta.
Parang tulad din ng isang tao.
Kung ang isang tao ay mahal mo at dalawa kayong nagmamahal sa kanya, di ba magpapaubaya ka. Kasi kung saan siya masaya, magiging masaya ka rin.
Di ba tama?
Pero sa nangyayari sa basketball at softball, ang mga nagsasabing mahal nila ito ay hindi totoo. Peke ang pagmamahal na ipinakikita nila.
Kasi marami ang naaapektuhan sa "pagmamahal na ibinigay nila.
Pati na rin ang mga atleta ay nahahati. Naguguluhan at nawawala ang konsentrasyon sa dapat nilang pagtuunan ng pansin.
Anong klaseng pagmamahal yan?
Maging ang taong bayan ay nangangapa. Gulung-gulo ang isipan sa mga nababasa sa mga pahayagang ukol sa mga awayang nagaganap sa ilang sports association natin.
Sana naman ipakita nila ang kanilang pagmamahal. Yung tunay at walang pag-iimbot sa kapwa.
Ano nga kaya ang mayroon sa basketball at softball at pinag-aagawan at pinag-aawayan nila?
Ano nga ba?
May kayamanan siguro sa mga nasabing asosasyon na ito.
Ano sa palagay nyo?
Tama kaya ako?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended