^

PSN Palaro

Sino ang PBA cager kung tawagin ay VTR Boy?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Sino ang PBA player na ito na kung tawagin ng kanyang mga teammates eh "VTR boy"?

Basta raw nabanggit na ang VTR boy, tawanan na ang mga teammates niya.

Bakit kaya?
* * *
Pabongga nang pabongga ang NBL.

Sponsor na ng kanilang championship playoffs ang National Panasonic.

Sa Cebu gagawin ang kanilang championships at malaki na rin ang following doon ng NBL.

Natutuwa naman kami for the NBL na sa nakaraang buwan eh talagang nagpupursigi para higit na mapalapit sila sa puso ng mga basketball fans dito sa Manila at maging sa probinsya.

Natutuwa rin kami for Mr. Louie Kierulf na siyang may hawak ng production sa coverage for Channel 13.

Pasasaan ba yan at sa madaling panahon, lalaki at magiging very popular din ang NBL sa buong Pilipinas.

Kaunting tiyaga pa, kakayanin din yan....

Tama ba yan, Nida Oliveros at Bong Castro?
* * *
Nandito sa Pilipinas ngayon at nagbabakasyon ang Fil-Am na si Mark Barton, isang magaling at sikat na high school player from Cardi-nal Mooney school sa Florida. 17 years old pa lang si Mark pero 6’4 na siya at malaki ang potensyal niya para maging college player sa US.

Nagi-enjoy siya sa panonood ng NCAA at UAAP sa Studio 23.

Tuwang-tuwa siya sa brand of basketball ng mga college players, lalo na raw sa kanilang intensity.

 Pinipilit siya ng kanyang mga kamag-anak na dito na lang maglaro pagdating niya sa college. Naniniwala kami na kapag dito nag-try out ang batang ito eh tiyak na magiging madali para sa kanya ang makapasok sa isang college team.

Pag-iisipan daw niya.

Binabati namin ang kanyang ina na si Melanie Snayder at ang kanyang auntie na si Alma Katindig na taga-Sta.Rosa, Laguna. Sa August 13 eh pabalik na sila sa Florida, USA.
* * *
Sino ang matipuno at machong-machong player na ito na kung tawagin ng mga teammates niya ay "takusa"?

Yan ay dahil kahit na siya'y matangkad at bruskong-brusko, siya ay takot na takot sa kanyang asawa.

Kaya daw kahit kailan eh hindi natsismis sa ibang babae ang player na ito.

Isang tingin lang ni misis, behaved na si player. Nakakaloka!

vuukle comment

ALMA KATINDIG

BONG CASTRO

MARK BARTON

MELANIE SNAYDER

MR. LOUIE KIERULF

NATIONAL PANASONIC

NATUTUWA

NIDA OLIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with