^

PSN Palaro

RP belles babanderahan ng University Games champions

-
CLARK, Pampanga--Babanderahan ng University Games champions at tambalan ng mga batang manlalaro na hinasa para sa National team ang kampanya ng Philippines sa mahigpitang 1st Clark Centennial Cup Asian Women’s beach volleyball championship sa Clearwater dito sa susunod na linggo.

Mapapasabak ang pareha nina Jennifer Bohawe at Sarah Faye Luna at ang tambalang Cecille Tabuena at Helen Dosdos sa mga best teams mula sa Southeast Asia sa pagbubukas ng nasabing tournament na inorganisa ng AYN Sports Management Group sa Miyerkules.

Makakalaban ng Philippines ang mga koponan mula sa Indonesia, Vietnam, Hong Kong, Japan at Thailand kung saan itinuturing silang underdogs sa meet na ito na suportado ng PAL, Speedo, Gatorade, Globe, Absolute, The Philippine Star at ng Philippine Sports Commission.

Kumpiyansa si coach Roger Gorayeb, na siya ring hahawak sa Philippine indoor team na maganda ang tatapusin ng RP belles sa six-nation, 10-team tourney na ito na inaasahang magiging malaking pagsubok para kina Bohawe-Luna na siyang nagdomina ng University Games sa Bacolod noong nakaraang taon.

Kasalukuyang nasa Hong Kong sina Luna at Bohawe ay nakatakda nilang buksan ang kampanya ng bansa sa fifth leg ng circuit na ito ngayon, habang sina Tabuena at Dosdos ay inihahanda na ng husto ni Gorayeb ng maaga sa dating United States base dito.

Ipapadala ng Thailand ang tambalang Kamoltip Kulna at Jarunee Sannok, ang Busan Asian Games fourth placers at Manatsanan Pangka at Rattanaporn Arlaisuk, ang tandem na ranked 18th sa mundo at 1998 Bangkok Asiad gold medalists.

Magpapadala rin ang China na siyang world power sa nasabing sport ng koponan sa Philippine leg, habang gaya ng Philippines, tig-dalawang team din ang isasabak ng Vietnam at Indonesia para sa top purse na nagkaka-halaga ng US$3,000.

vuukle comment

BANGKOK ASIAD

BUSAN ASIAN GAMES

CECILLE TABUENA

CLARK CENTENNIAL CUP ASIAN WOMEN

HELEN DOSDOS

HONG KONG

JARUNEE SANNOK

JENNIFER BOHAWE

KAMOLTIP KULNA

UNIVERSITY GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with