^

PSN Palaro

1st PBL Open Invitational: Shark sinagpang ang Spring

-
Impresibong depensa ang inilabas ng Shark Energy Drink sa huling mainit na bahagi ng labanan upang supilin ang Spring Cooking Oil, 81-69 sa pagpapatuloy kahapon ng 1st Philippine Basketball League Open Invitational finals sa Makati Coliseum.

Hindi rin nakatulong ang presensiya ni dating PBA import Bobby Parks na tumapos ng 26 puntos upang isalba ang Spring Cooking Oil.

Umabante ang Energy Boosters sa 71-53 sa kaagahan ng final period nang manalasa si Parks kasama si Ricky Ricafuente na umiskor ng dalawang tres at John Dural para sa 16-6 atake na siyang nagbaba sa abante ng Energy Boosters sa 69-77, may 1:26 ang nalalabing oras.

Ngunit nagawa ng Cooking Oil Masters na malimita ang Shark matapos na magbaba ng matibay na depensa. Subalit mabilis na nakabangon ang Energy Boosters nang magsalpak si Ches-ter Tolomia ng dalawang puntos na sinundan pa ng jumper ni Michael Robinson sa huling 23 segundo ng labanan.

Bunga nito, kailangan ng Spring Cooking Oil na maipanalo ang kanilang laban kontra Welcoat Paints ngayon sa alas-2 ng hapon upang manatiling buhay ang kanilang tsansa. Ang kabiguan ng Spring Cooking Oil ang magtatakda ng Shark-Welcoat rubber-match para sa korona sa Linggo.

Nakarating ang Paint Masters sa finals sa pamamagitan ng 84-76 panalo kontra sa Ana Freezers noong Huwe-bes ng gabi.

vuukle comment

ANA FREEZERS

BOBBY PARKS

COOKING OIL MASTERS

ENERGY BOOSTERS

JOHN DURAL

MAKATI COLISEUM

MICHAEL ROBINSON

PAINT MASTERS

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE OPEN INVITATIONAL

SPRING COOKING OIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with