^

PSN Palaro

Boysen-MLQU inakupahan ang unang finals slot

-
Ganap nang maipagtatanggol ng Boysen-MLQU ang kanilang titulo sa 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup nang kanilang okupahan ang unang puwesto sa kampeonato.

Dinispatsa ng Boysen-MLQU ang University of Assumption, 69-63 sa kanilang crossover semis match kaha pon at hihintayin na lamang nila kung sino ang kanilang makakalaban para sa titulo.

Maghaharap pa ang Regent Cheese Balls at UP-Waterfront sa isa pang crossover semis match ngayong alas-12 ng tanghali upang malaman kung sino ang makakalaban ng Boysen-MLQU.

Naipuwersa ng UP-Waterfront ang sudden death match na ito matapos ang 69-64 pamamayani noong Martes kaya’t napakinabangan ng Regent ang kanilang natamong twice-to-beat advantage.

Naging tagapagligtas ng Paint Experts si Lito Saygo na umiskor ng mahahalagang free throws sa 7-0 produksiyon na nagselyo ng kanilang tagumpay.

Angat pa ang Assumption sa 63-62 matapos ang dalawang freethrows ni Roel Galura, 50.8 segundo ang nalalabing oras sa laro nang kumana si Saygo ng 3 free throws upang ihatid ang Boysen-MLQU sa 65-63 kalamangan.

Tuluyan nang nadiskaril ang Assumption nang mag-mintis si Santos sa sumunod na play at umiskor ng dalawang free throws si Rodel Mallari para sa panigurong 67-63 kalamangan ng Boysen-MLQU 27. 3 segundo na lamang ang oras sa laro.

May tsansa pa sanang makahirit ang Assumption, ngunit bigo naman si Santos sa kanyang attempt at isinelyo ni Marphil Limbo ang final score sa kanyang dalawang free throws.

vuukle comment

BOYSEN

CRYSTAL SPRING

LITO SAYGO

MARPHIL LIMBO

PAINT EXPERTS

REGENT CHEESE BALLS

RODEL MALLARI

ROEL GALURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with