^

PSN Palaro

Pinoy netters muling umakyat sa Davis Cup Group 2

-
Muling naka-akyat sa Group II ng Asia Oceania Zone ng Davis Cup competitions ang Philippines sa likuran ng kabayanihan nina Johnny Arcilla at Adelo Abadia na mula sa two-point deficit ay nakabangon upang igupo ang Tajikistan, 2-1 sa doubles match.

Ang tambalang Arcilla at Abadia ay nagtala ng isang come-from-behind 3-5, 4-5, (2-7), 4-2, 4-1,4-0 panalo.

Hindi naging madali ang tagumpay matapos na ibigay ni Arcilla sa Philippines ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three matches tie nang pabagsakin si Sergei Makashin, 4-2, 4-2, 4-0 noong Sabado na naitabla naman ni Mansur Yakhyaev nang igupo si Abadia, 4-2, 4-1, 4-1 sa inulan na laban bago nagtambal kay Makashin at kunin ang dalawang unang sets ng deciding doubles.

"Mabuti na lang at umaraw. Malaking tulong sa amin ang init," anang 23 anyos na si Abadia.

"Medyo pigil kami sa first two sets. Ayaw naming magkamali pero, hayun, nabanatan kami," anaman ni Arcilla na isang Philippine Air Force enlisted man. "Pero nung two down kami, sabi namin bira na, huwag nang magpigil at talagang patay kung patay."

Isang kapanapanabik na tagumpay ito para sa Philippines sa harap ng maraming kababayan na nasaksihan sapul nang malaglag mula sa Group 1 noong 1998 at higit pang bumaba sa Group III noong nakaraang taon.

"The boys deserve all the credit. I was there only to serve as their counsel. They did all the work and I did all the cherring," ani non-playing captain Joseph Lizardo.

Ang Philippines ay makakabalik na sa Zone’s Group II kasama ang Kazakhstan na inilaglag ang Singapore, 2-0 sa isa pang semifinals tie.

Ang Philippines at Kazakhstan ay naglalaro pa sa finals habang sinusulat ito para lamang sa pangunahing karangalan ng zone.

"What can I say? The boys put a lot of sacrifice for this. They made both ends meet despite lack of funding. Their big hearts and pride gave our country this honor," anaman ni PHILTA president Buddy Andrada.

vuukle comment

ADELO ABADIA

ANG PHILIPPINES

ARCILLA

ASIA OCEANIA ZONE

BUDDY ANDRADA

DAVIS CUP

JOHNNY ARCILLA

JOSEPH LIZARDO

KAZAKHSTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with