^

PSN Palaro

Chery Tiggo sasalang sa krusyal na laban

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chery Tiggo sasalang sa krusyal na laban
Aby Maraño.
STAR/ File

MANILA, Philippines — May dalawang tsansa pa ang Chery Tiggo para ma­­kapasok sa semifinal round ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

At ayaw nilang umasa sa record ng ibang kopo­nan para magawa ito.

“Hindi rin kami puwedeng umasa sa standings ng iba, pangit din iyong ganoong mindset na makakapasok tayo kasi aasa tayo kung matatalo si ganito,” sa­bi ni team captain Aby Ma­raño. “Hindi dapat ga­noon. Work lang kami tala­ga sa side namin.”

Sasagupain ng Crossovers ang Akari Chargers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng Petro Gazz Angels at Ga­­leries Tower Highrisers sa alas-2 ng hapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa La­guna.

Sa huling laro sa alas-6 ng gabi ay magtutuos ang PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers.

Tabla sa itaas ng team standings ang Choco Mu­cho at nagdedepensang Creamline sa magkatulad ni­lang 8-2 kartada kasunod ang Chery Tiggo (7-2), PLDT (7-2), Petro Gazz (7-2), Cignal (5-4), Akari (4-5), Farm Fresh (3-7), Nxled (3-6), Galeries (3-6), Capital1 (1-8) at Strong Group Athletics (0-10).

Sumasakay ang Crossovers sa four-game winning streak kasama ang 25-22, 25-16, 25-20 pagwalis sa High Speed Hitters.

Samantala si Jonah Sa­bete ang muling aa­sa­han ng Gazz Angels sa pag­ha­rap sa Highrisers bukod kay Fil-American Brooke Van Sickle.

vuukle comment

CHERY TIGGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with