^

PSN Palaro

Semis ikakasa ng Flying Titans

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Semis ikakasa ng Flying Titans
Ang hatawan nina Sisi Rondina ng Choco Mucho at Tots Carlos ng Creamline ang aabangan ng mga fans sa kanilang duwelo ngayon.
PVL photo

MANILA, Philippines — Wala nang ibang nasa isip ang nangungunang Choco Mucho kundi sikwatin ang unang semifinals ticket ng 2024 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.

Haharapin ng Flying Titans ang nagdedepensang Creamline Cool Sma­shers ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laban ng mga talsik nang Farm Fresh Foxies at Strong Group Athletics sa alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa tuktok ng team standings ang Choco Mu­cho tangay ang 8-1 baraha kasunod ang Petro Gazz (7-2), Creamline (7-2), PLDT (7-2), Chery Tiggo (7-2), Cignal (5-4), Akari (4-5), Nxled (3-6), Galeries Tower (3-6), Farm Fresh (2-7), Capital1 (1-8) at SGA (0-9).

Ang panalo sa Cool Smashers ang ganap nang magpapasok sa Flying Titans sa Final Four.

Inilista ng Choco Mucho ang ikaapat na sunod na panalo matapos ang 25-17, 25-15, 25-15 paggupo sa SGA tampok ang 17 points ni veteran Royse Tubino mula sa 15 attacks at dalawang blocks.

“Si coach Dante (Alinsunurin) naman, hindi ako binibigyan ng pressure. Basta gawin ko lang iyong best ko, gawin ko lang iyong nilalaro ko. Lalabas naman kung ano ang ine-ensayo namin sa game,” sabi ng 31-anyos na produkto ng Perpetual Help Lady Altas.

Hangad naman ng Creamline ang back-to-back wins para patibayin ang pag-asa sa Final Four.

Nagmula ang Cool Sma­shers sa 25-22, 25-12, 25-20 panalo sa talsik nang Chameleons para makaiwas sa ikalawang dikit na kamalasan.

“I think that’s the most important thing, especially since our next games are quite interesting and exci­ting, so we need to see ourselves and our confi­dence, so iyon,” ani Alyssa Valdez.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with